NABUSLO sa selda ng mga operatiba ng Intelligence and Warrant Section ng Manila Police District-Sta. Ana Police Station 6, ang isang 45-anyos na serbidora dahil sa kasong 31 counts ng estafa, makaraang arestuhin sa bisa ng warrant of arrest sa bahay nito sa Sta. Ana, Manila noong Lunes ng hapon.
Ayon sa ulat na isinumite ni Police Captain Jay Michael Querubin, ng Intelligence and Warrant Section, kay Police Lieutenant Colonel Jason Aguillon, station commander, bandang 3:00 ng hapon nang isilbi sa suspek ang warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Michelle Gutlay Devina – Delfin, ng Metropolitan Trial Court Branch 8 ng City of Manila, dahil sa kasong estafa sa ilalim ng Article 315, Par.1(C) ng Revised Penal Code (31 counts).
Ang nasabing suspek ay idineklarang most wanted person, station level ng pulisya.
(RENE CRISOSTOMO)
213