Nakawalang aso hinabol PUMASOK SA BAKURAN NG IBA, PINAPUTUKAN

CAVITE – Inaresto ang isang 63-anyos na senior citizen nang paputukan ang kanyang kapitbahay na pumasok sa kanyang bakuran habang hinahabol ang nakawalang aso sa bayan ng Silang sa lalawigan noong Lunes ng hapon.

Nahaharap sa kasong attempted murder at paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, ang suspek na si alyas “Jerome” ng Brgy. Batas, Silang, Cavite matapos ireklamo ng kanyang kapitbahay na si alyas “Michael”, isang negosyante .

Ayon sa ulat, nakawala sa kanilang bahay ang aso ni Michael.

Hinabol ni Michael ang kanyang aso hanggang sa bakuran ng kanyang kapitbahay ngunit nang makita ito ni Jerome ay pinaputukan ang biktima gamit ang kanyang kalibre 9mm na baril subalit hindi pumutok. Pagkaraan ay sinigawan ng suspek ang biktima ng katagang “Bakit ka dumaan dito? Bawal dumaan dito,” kasunod ang muling pagpapaputok.

Kumaripas ng takbo si Michael at humingi ng tulong sa kanilang barangay na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek. (SIGFRED ADSUARA)

136

Related posts

Leave a Comment