Bangayan sa pondo DUTERTE VS NOGRALES

TULUYANG sumiklab ang political war sa pagitan ng mga pamilyang Duterte at Nograles sa Davao City kaugnay ng pondo na nagagamit umano sa pulitika sa halip na sa taumbayan.

Nag-ugat ang hidwaan nina Davao City Rep. Paolo Duterte at PBA party-list Rep. Margarita Nograles sa isang post sa social media na nagsasabing wala nang pera ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na pantulong sa mga mangangailangan sa Davao City.

Tinawag ni Nograles na fake news ang nasabing post sa Tiktok na mistulang ikinairita naman ni Duterte.

“In my office, we never claimed that DSWD lacked funds. Instead, it is my office that DSWD has ceased to release funds to, and we have consistently communicated this to the people of Davao City and apologized for the situation,” ani Duterte.

“There is no black propaganda in that, Madam Congresswoman,” dagdag pa ni Duterte na ang tinutukoy ay si Nograles.

“Nagsalita na ang DSWD na meron pondo at nagbibigay ng pondo. Plain and simple, wala akong sinabing iba about even withholding or his own actions. Never even mentioned his name. Bakit ako na naman ginagawang masama? Siguro kahit umulan or bumagyo, ako pa rin sisisihin. Nakakaloka,” sagot ni Nograles.

Subalit iginiit ng anak ni dating pangulong Rodrigo Duterte na walang pondong ibinibigay ang DSWD sa local government para direktang ipantulong sa mga nangangailangan. (BERNARD TAGUINOD)

181

Related posts

Leave a Comment