MTRCB pagpapaliwanagin PANG-AABUSO SA FILM INDUSTRY HIHIMAYIN

PAGPAPALIWANAGIN sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) hinggil sa nabunyag sa pagsasamantala sa mga actor at actress sa film industry.

Ito ang nabatid kay Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas matapos maalarma sa magkasunod na nabunyag na pagsasamantala sa mga actor at actress sa entertainment industry partikular na sa actress na si Angeli Khang.

“We are concerned over the recent revelations made by actress Angeli Khang regarding her experiences in the film industry. Her admission of feeling “taken advantage of” while filming for Vivamax movies is a manifestation of the pervasive exploitation that women continue to face,” ani Brosas.

Ayon kay Khang, madalas siyang nakakaramdam ng pananamantala sa kanya kapag nagsho-shooting ang mga ito kung saan lumalagpas na umano sa boundaries ang kanyang co-actors lalo na sa mga intimate scenes kahit walang utos ang directors.

“Such behavior represents a gross breach of consent and professional ethics that cannot be tolerated in any workplace, much less in an industry that wields significant influence over societal norms and values,” ayon sa mambabatas.

Bago ang kaso ni Khang ay nabunyag din ang umano’y pagsasamantala at pang-aabuso ng dalawang contractor ng GMA-7 sa anak ni Nino Muhlach na si Sandro Muhlach na sentro ngayon ng imbestigasyon ng Senado.

Sinabi rin ng kongresista na gagawa sila ng batas para proteksyunan ang kababaihan sa entertainment industry tulad ni Khang at masiguro na maparusahan ang mga magsasamantala sa kanila. (BERNARD TAGUINOD)

141

Related posts

Leave a Comment