LIBANAN-EVARDONE TANDEM ITINULAK NG EASTERN SAMAR OFFICIALS

MISMONG ang local officials na sa Eastern Samar ang nagtulak para magsama sa 2025 mid-term election sa kanilang lalawigan sina House Minority Leader Marcelino “Nonoy” Libanan at Gov. Ben Evardone.

Personal na humarap kay Speaker Martin Romualdez sa Kamara ang 58 Eastern Samar Officials para idaan ang kanilang kahilingan sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na si Libanan ang patakbuhing kongresista sa Lone District ng kanilang lalawigan habang si Evardone bilang Governor.

Kabilang sa mga delegado sina Eastern Samar Vice Governor Maricar Goteesan, 13 provincial board members, 19 municipal mayors at 19 association of barangay captain presidents. Lumapit ang mga ito kay Romualdez na bukod sa pinsan ni Marcos ay itinuturing na political leader sa buong Eastern Visayas region.

“We – Governor Evardone and I – are determined to combine our efforts so that we can improve in a big way the living standards, social conditions, and economic opportunities for individuals and communities in Eastern Samar,” ani Libanan.

Si Libanan, kasalukuyang kinatawan ng 4Ps party-list sa Kongreso ay kumatawan sa Lone District ng Eastern Samar 1998 hanggang 2007 bukod sa naging provincial vice governor din ito habang si Evardone ay tatakbo para sa kanilang third at last term sa 2025.

Noong Mayo, kumalas si Evardone sa PDP Laban at sumali sa Partido Federal ng Pilipinas. (BERNARD TAGUINOD)

270

Related posts

Leave a Comment