KAHIT PULIS PA; ARMAS OFF-LIMITS SA POLLING PRECINCTS

pnp12

(NI NICK ECHEVARRIA)

BAWAL magdala ng baril sa loob ng mga polling precinct ang mga bobotong pulis sa Lunes kahit nakasuot ng uniporme ang mga ito.

Kahit umano ang mga pulis na sinanay ng Commission on Elections (Comelec) bilang Board of Elections Inspector kapalit sakaling may mag-absent na mga guro, ay bawal ding magdala ng armas.

Ito ang mahigpit na babala ni Philippine National Police Chief General Oscar Albayalde na tanging ang mga naka-duty lamang na mga pulis na magbabantay sa mga nasabing polling precinct ang may pahintulot na magdala ng baril ngunit hangang sa labas lamang.

Bawal ding magbitbit ng armas ang mga bodyguard ng bobotong kandidato sa loob ng polling precinct, ayon pa kay Albayalde.

Ayon pa sa hepe ng  PNP, nasa 100,000 mga pulis ang idedeploy sa kabuuang 36,000 mga polling centers nationwide at hindi bababa sa dalawang pulis ang itatalaga sa bawat presinto.

Nabatid din na ang Comelec na ang mangangasiwa sa pagde-deploy ng may 1,404 mga pulis na magsisilbing pamalit bilang mga Board of Election Inspectors.

159

Related posts

Leave a Comment