SUSPEK SA PAGPATAY SA EX-COP TODAS SA ENGKWENTRO

BATANGAS – Napaslang ng mga awtoridad ang itinuturong suspek sa pagpatay sa isang retiradong miyembro ng PNP, matapos na manlaban sa isinagawang hot pursuit operation ng mga awtoridad mula sa Tanauan City, Batangas na nagtapos sa Calamba City, Laguna noong Martes ng gabi.

Noong Lunes dakong alas 8:00 ng gabi, natagpuang walang buhay sa damuhan sa bakanteng lote sa Sitio Hipit, Brgy. Janopol Oriental, Tanauan City, Batangas ang biktimang pulis na si retired PEMS Arnel Tobes na hinihinalang pinatay sa pamamagitan ng suffocation gamit ang plastic bag na isinaklob sa ulo nito.

Agad nagsagawa ng manhunt operation ang mga tauhan ng Tanauan City Police hanggang sa matunton ang suspek na si alyas “Rudy” sa national highway sa Barangay Paciano Rizal, Calamba City, Laguna, bandang alas-11:00 ng gabi.

Subalit nang aarestuhin, nagbunot umano ito ng baril at pinaputukan ang mga pulis na napilitang gumanti ng putok.

Isinugod pa sa ospital ang suspek ang subalit nalagutan ito ng hininga. (NILOU DEL CARMEN)

55

Related posts

Leave a Comment