CLICKBAIT ni JO BARLIZO IYAN ang banat ng ilang labor group sa P85 na dagdag-sahod ng minimum wage earner sa National Capital Region (NCR). Sa Hulyo 25 ang unang bugso ng P85 na dagdag-sahod kaya mula sa P695 ay magiging P755 na ang minimum wage. Sa Enero 20, 2027 ang ikalawang hulog, at ayan P780 na ang arawang sahod ng mga non-agriculture worker. Hindi sapat ang kinikita ng maraming pamilya para makahabol sa mataas na bilihin at ibang pangangailangan. Nalulunod na ang mga Pilipino sa hindi na mahabol na pagsipa…
Read MoreDay: July 12, 2026
Yorme Isko: Bawat piso ng bayan, dapat may pinatutunguhan
PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA HINDI kailanman naging krimen ang magpahayag ng saloobin. Sa isang demokratikong lipunan, karapatan ng bawat mamamayan ang magprotesta, magtanong at maningil ng pananagutan sa pamahalaan. Ngunit tulad ng anomang karapatan, may hangganan din ito. Ito ang malinaw na mensahe ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso: bukas ang Maynila sa mga nagra-rally, pero sarado ito sa mga manggugulo. Hindi niya ipinagbabawal ang kilos-protesta. Sa katunayan, kinikilala niya ang Freedom Parks bilang lugar kung saan maaaring magtipon ang mga tao nang hindi na kailangang humingi…
Read MorePAGKAKAISA, PAGKAKAPANTAY-PANTAY AT KAHANDAAN: MGA HALIGI NG MAUNLAD NA QUEZON
TARGET ni KA REX CAYANONG ANG tunay na barometro ng mahusay na pamamahala ay hindi lamang nasusukat sa dami ng mga proyektong naipatutupad kundi sa kakayahang pag-isahin ang iba’t ibang sektor ng lipunan para sa iisang layunin—ang pag-unlad at kapakanan ng mamamayan. Ito ang patuloy na ipinakikita ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon sa ilalim ng pamumuno ni Governor Doktora Helen Tan. Mahalaga ang aktibong pakikipag-ugnayan sa mga halal na opisyal sa bawat bayan at lungsod. Ang pagdalo sa First General Assembly ng Philippine Councilors League ng Quezon ay malinaw na…
Read MoreMUSLIM COMMUNITY TANGGAP PAGTATALAGA KAY AMENAH PANGANDAMAN BILANG CHAIRMAN AT CEO NG ISLAMIC BANK
MALUGOD at mainit na tinanggap at pinuri ng National Community of Muslim Filipino (NCMF), ni Sulu Governor Sakur Tan at mamamayan ng Sulu ang pagtatalaga kay Amenah F. Pangandaman bilang Chairman at Chief Executive Officer (CEO) ng Al-Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines (AAIIBP). Ayon kay Tan, ang pagtatalagang ito kay Pangandaman ay maituturing na isang tagumpay para sa mga kapatid na Muslim lalo ito ang isa sa premier Islamic banking institution sa buong bansa na tunay na maipagmamalaki ng bawat Filipino Muslim. “The Sulu Provincial Government and the…
Read MoreIMPEACHMENT RECORDS ISINAPUBLIKO NG SENADO
IPINAGMALAKI ni Senate President Sherwin Gatchalian na accessible na sa publiko, sa pamamagitan ng Senate website, ang lahat ng dokumento na may kinalaman sa kasalukuyang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte para matiyak ang pagiging bukas at malinaw ng proseso. “Sisiguraduhin natin na lahat ng dokumento at ebidensya ay makikita ng publiko dahil naka-upload na ang mga ito sa Senate website,” ani Gatchalian. Binigyang-diin din niya na ang pagbibigay ng access sa mga kaugnay na dokumento para masuri ng publiko ay mahalagang hakbang para mapanatili ang integridad ng…
Read MoreERWIN TULFO, IGINIIT PAGPASA NG WPS EDUCATION BILL SA GITNA NG PAG-ANGKIN NG TSINA SA BATANES
MARIING kinondena ni Senador Erwin Tulfo ang mga pahayag ng Chinese scholars na bahagi ng teritoryo ng Tsina ang Batanes. “Noon, inaangkin nila na sa kanila ang West Philippine Sea, ngayon pati Batanes teritoryo na rin nila? Ano na ang susunod? Palawan? Zambales? Cagayan?” babala ni Tulfo, habang binabatikos ang mga naging pahayag ng Chinese scholars na sila ang may soberanya sa Batanes at tinawag itong “natural geographical extension” ng Taiwan, sa isang symposium noong Hunyo 30. Binigyang-diin din ni Tulfo na tila “timing” ang nasabing pag-angkin na pumatak pa…
Read More30 MEDICAL STUDENTS SA TAGUIG, APRUBADO SA INVEST SCHOLARSHIP PROGRAM
KINILALA ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig ang unang batch ng mga iskolar sa ilalim ng INVEST Scholarship Program para sa mga medical student sa isinagawang INVEST Scholarship Awarding Ceremony o Batch Tanglaw. Ayon kay Taguig City Mayor Lani Cayetano, nasa 127 medical students ang nag-apply sa programa ngunit 30 lamang ang naaprubahang tumanggap ng scholarship grants. Tatanggap ang mga iskolar ng tulong pinansyal para sa kanilang matrikula at iba pang bayarin bilang bahagi ng mga benepisyo ng programa. Matatandaang inilunsad ang INVEST Scholarship Program noong Oktubre 8, 2025 upang magbigay…
Read MoreLIBU-LIBONG CHARGING STATIONS PARA SA E-MOTORCYCLES, TARGET NG DTI AT VINFAST; JULY 18 DEADLINE SA PRE-ORDER
SINUPORTAHAN ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagpapalawak ng charging at battery-swapping stations ng Vietnamese electric vehicle manufacturer na VinFast sa Pilipinas. Ito ay matapos makipagpulong ang DTI sa mga opisyal ng VinFast upang talakayin ang expansion plans at regulatory framework para sa EV charging at battery-swapping stations sa bansa. Kasabay nito, bukas hanggang Hulyo 18 ang pre-order para sa VinFast e-motorcycle lineup na Evo, Feliz II, at Viper. Ang mga naturang e-motorcycle ang compatible sa target na 30,000 battery-swapping at charging stations na layong maitayo sa bansa…
Read MoreDEATH TOLL SA BAGYONG INDAY UMAKYAT NA SA 18; 12 PA NAWAWALA
HABANG papalayo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Inday, patuloy naman nitong pinalalakas ang southwest monsoon o habagat na nagdudulot ng malalakas na pag-ulan sa iba’t ibang bahagi ng bansa kaya nagpapatuloy ang validation ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa lawak ng pinsalang idinulot nito sa buong kapuluan. Ayon sa Office of Civil Defense (OCD), umakyat na sa 18 ang bilang ng mga nasawi habang 12 naman ang nawawala at pito ang nasugatan dahil sa pinagsamang epekto ng Bagyong Inday at pinalakas na habagat.…
Read More