NAGHAIN na ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) si Senator Pia Cayetano sa Commission on Elections sa Tent City, Manila Hotel.
Ang nakatatandang Cayetano ay muling tatakbo sa pagka-Senador sa darating na 2025 midterm National and Local Election sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition.
Sinamahan siya sa paghahain ng COC ng mag-asawang Senator Alan Peter at Taguig City Mayor Lani Cayetano bilang pagpapakita ng kanilang suporta. (DANNY BACOLOD)
