MAS LAMANG ANG PULITIKA KAYSA LEGAL SA IMPEACHMENT TRIAL

PUNA ni JOEL O. AMONGO SA ika-13 araw ng impeachment trial kay Vice President Inday Sara Duterte, isang mahalagang tanong ang patuloy na umiikot sa isipan ng maraming Pilipino: Sapat na ba ang mga ebidensiyang inihaharap upang patunayang nagkasala ang Bise Presidente? Habang nagpapatuloy ang paglilitis, kapansin-pansin na nananatiling hati ang opinyon ng publiko, at marami pa rin ang nagsasabing hindi sila kumbinsido sa mga paratang laban sa kanya. Sa halip na mabawasan ang suporta kay Vice President Duterte, tila lalo pang tumitibay ang paniniwala ng ilan sa kanyang mga…

Read More

LOCALIZED PEACE TALKS MAS PRODUKTIBO

TAMBULI ni JESSE RUIZ ITO na siguro ang tamang panahon para isulong nang todo-todo ng mga local government unit ang localized peace talk lalo na sa mga lalawigan na may mangilan-ngilan pang nalalabing armadong guerilla ng Communist Party of the Philippines. Kahit pa sinasabing bukas ang Marcos administration sa pagkakaroon ng peace negotiation sa pagitan ng gobyerno at ng New People’s Army, ang armadong galamay ng CPP-NDF, ay mas produktibo pa rin ang pagsasagawa ng mga localized peace talks. Lantad na mas epektibo ang mga gobernador at alkalde sa paghikayat…

Read More

P92.8 MILYON ANG USAPAN, P1 MILYON ANG PIYANSA?

GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN NAPAILING talaga ako nang mabasa ko ang balita tungkol kay Bong Revilla. Pinayagan siyang makapagpiyansa ng P1 milyon sa kasong malversation na may kinalaman sa umano’y P92.8 milyon. Alam kong hindi pa ito katapusan ng kaso. May paglilitis pa at wala pang desisyon ang korte kung guilty ba siya o hindi. Pero bilang isang ordinaryong mamamayan, hindi ko maiwasang magtanong. Paano naging P1 milyon lang ang piyansa sa kasong may halagang P92.8 milyon? Alam ko rin na ang piyansa ay hindi kabayaran sa perang…

Read More

HAGUPIT NG TS MAYMAY RAMDAM SA HILAGANG LUZON

LUMAKAS at naging tropical storm ang Bagyong Maymay nitong madaling araw ng Miyerkoles, Agosto 5, dahilan upang itaas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 2 sa ilang bahagi ng Northern Luzon. Sa 4:00 a.m. weather bulletin ng PAGASA, namataan ang bagyong may international name na Kujira sa layong 170 kilometro kanluran-hilagang-kanluran ng Bacnotan, La Union. Taglay nito ang lakas ng hanging 65 kilometro kada oras, pagbugsong hanggang 80 kph, at mabagal na kumikilos patimog-silangan. Nakataas ang TCWS No. 2 sa…

Read More

5 CHINESE NATIONALS ARESTADO SA AGUSAN

DINAKIP ang limang Chinese nationals ng Bureau of Immigration (BI), sa tulong ng 10th Infantry (Agila) Division ng Philippine Army, dahil sa umano’y paglabag sa Philippine immigration laws sa Trento, Agusan del Sur. Ayon sa ulat, nagsagawa ng Law Enforcement Support Operations (LESO) ang mga tauhan ng 67th Infantry Battalion (67IB) upang suportahan ang operasyon ng BI na nagresulta sa pagkakaaresto sa limang dayuhan. Isinagawa ang joint law enforcement operation sa Mayokada Enterprise Compound sa Purok 4, Barangay Pulang Lupa, Trento, sa pangunguna ng Bureau of Immigration, katuwang ang Philippine…

Read More

P700-M FAKE BRANDED SHOES NASAMSAM NG PNP, BOC

KATUWANG ang Bureau of Customs, nasamsam ng mga operatiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang tinatayang P700 milyong halaga ng mga pekeng produkto sa isang warehouse sa Imus City, Cavite, sa ikinasang operasyon laban sa umano’y smuggled contrabands. Ayon sa ulat na ipinarating sa PNP headquarters at maging sa tanggapan ni BOC Commissioner Ariel Nepomuceno, nakumpiska ng mga operatiba ng PNP-CIDG kasama ng Bureau of Customs (BOC), na sinuportahan ng Cavite Police Provincial Office, Cavite Maritime Group, at ng Philippine Coast Guard (PCG), ang mga umano’y smuggled na…

Read More

SC IBINASURA MGA PETISYON LABAN SA IMPEACHMENT PROCEEDINGS NI VP SARA

IBINASURA ng Korte Suprema (SC) ang lahat ng petisyong kumukuwestiyon sa impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte, matapos ideklarang moot and academic ang mga isyung inihain. Sa desisyong inilabas ng SC en banc, sinabi nitong wala nang dapat resolbahin dahil naaprubahan at naipadala na ng House of Representatives sa Senado ang Articles of Impeachment. Kinuwestiyon ng mga petitioner ang naging pagdinig ng Kamara at ng House Committee on Justice kaugnay ng mga reklamong impeachment laban sa pangalawang pangulo. Ayon sa Korte Suprema, natapos na ang tungkulin ng Kamara…

Read More

RESOLUSYON SA KAMARA INIHAIN BILANG PAGKILALA SA SB19

NAGHAIN si Negros Occidental 3rd District Rep. Javier Miguel L. Benitez ng isang resolusyon upang kilalanin ang mga natatanging tagumpay ng Pinoy pop supergroup na SB19 sa pagsusulong ng kulturang Pilipino sa pandaigdigang entablado. Kasama ni Benitez sa paghahain ng House Resolution No. 1280 sina Reps. Nelson Legacion, Sarah Jane Elago, at Kathryn Joyce Gorriceta. Binigyang-diin sa resolusyon ang pagkakatalaga ng Department of Tourism (DOT) sa SB19 bilang tourism ambassadors, gayundin ang makasaysayan nitong pagtatanghal sa Lollapalooza 2026 at paglahok sa isang Major League Baseball (MLB) event. Matatandaang itinalaga ng…

Read More

PNP PINAIGTING PAGBABANTAY SA MGA RUTA NG SMUGGLING

INATASAN ni PNP Chief PGen. Melencio F. Nartatez Jr. ang lahat ng yunit ng Philippine National Police (PNP) na paigtingin ang intelligence gathering at pagbabantay sa mga pinaghihinalaang ruta ng mga smuggler sa buong bansa. Pinatutukan ng PNP chief ang mga sentro ng distribusyon, mga daungan at transport terminals kasunod ng pagkakasamsam ng P628 milyong halaga ng smuggled at pekeng produkto noong Hulyo. Pinuri rin ni Nartatez ang mga yunit ng pulisya na lumahok sa 2,927 anti-smuggling operations na isinagawa mula Hulyo 1 hanggang 31, na nagresulta sa pagkakasamsam ng…

Read More