BATANG REMULLA, REVILLA SA CAVITE

Sa huling araw ng filing ng COC ay nagsumite sina Beng Remulla, anak ni Justice Secretary Crispin Remulla at Ram Revilla, bunsong anak ni Senator Bong Revilla bilang Governor at Vice Governor ng lalawigan ng Cavite, bandang alas-10:15 kahapon ng umaga sa Comelec Provincial Office sa Trece Martires City.

Sinamahan ang dalawa nina Senator Bong Revilla, Lannie Mercado at Jolo Revilla.

Ang dalawa ay nagsumite ng kanilang COC makaraang italaga si Governor Jonvic Remulla bilang Secretary of the Interior and Local Government (DILG). Nag-withdraw naman ng kandidatura si Vice Governor Athena Tolentino.

Naunang nagsumite ng kanyang COC si Ping Remulla bilang kinatawan ng ika-pitong Distrito (Trece Martires City, Indang, Amadeo at Tanza).( SIGFRED ADSUARA)

156

Related posts

Leave a Comment