FOOD SECURITY NAMEMELIGRO SA PAGKAUBOS NG MAGSASAKA

KUNG hindi masusuportahan at mabibigyan ng subsidiya ang mga magsasaka ay nanganganib na tuluyan nang maubos ang mga nagsasaka sa Pilipinas at halos lahat ng kakainin ng sambayanang Pilipino ay imported o kakailanganin na angkatin na sa mga kalapit na bansa.

Ito ang inihayag nina Senador Imee Marcos at dating senador Panfilo Lacson nang dumalo sa 10th World Pandesal Day sa 85-year-old Kamuning Bakery Café noong Miyerkoles.

Ayon kay Marcos, habang sinasabing lumiliit ang unemployment rate sa Pilipinas at dumarami ang trabaho ay nauubos naman ang mga magsasaka dahil karamihan sa kanila ay nangingibang bayan dahil sa kawalan ng tiyak na kita sa pagsasaka bukod pa sa madalas na masalanta ng bagyo ang kanilang mga pananim.

Bukod din sa lumiliit na umanong mga sakahan sa kasalukuyan, wala na ring pumapalit sa mga tumatanda nating mga magsasaka dahil mas pinipili na ang paghahanapbuhay sa kalunsuran o ang pagiging OFWs.

Bunsod umano ito ng kawalan ng tamang suporta ng gobyerno sa mga magsasaka gaya ng subsidy.

Nakatatakot umano na baka abutin ng Pilipinas na halos lahat ng ating kakainin ay imported na, ani Marcos.

“Importation is not the answer for food sufficiency sa Pilipinas,” ani Marcos na nagsabi pang pinapatay natin ang ating mga magsasaka.

Habang nakatutok aniya ang gobyerno sa importation at ibinagsak pa ang taripa, pero nakapako na sa mataas ang presyo ng bigas. Pinapatay pa aniya ang lokal na produksyon. (JESSE KABEL RUIZ)

8

Related posts

Leave a Comment