Tatak BDO: Singilan mabilis, sa reklamo mintis

Siyanong Detektib Ni Lucio S. Papa MATAPOS natin ibulgar ang sukdulang kagulangan ng isang sikat na banko, muli kong binalikan ang ginang na nagrereklamo. Pag-amin ng ginang na tawagin na lang natin sa pangalang Salome, wala pa ring aksyon ang Banco De Oro (BDO) sa kanyang hiling na “balance card conversion” na naglalayong tapusin ang pagpapataw ng patong-patong na interes sa sinasabing utang gamit ang BDO platinum credit card. Saan ka ba naman kasi nakakita ng P200,000 lang ang utang pero ang pilit sinisingil ng BDO tumataginting na P600,000. Talo…

Read More

BLUE RIBBON HEARING NGAYON: PANIBAGONG YUGTO SA PAGHAHANAP NG KATOTOHANAN

At Your Service Ni Ka Francis NGAYONG araw, dakong alas-10 ng umaga, Hunyo 16, 2026, muling matututok ang atensyon ng publiko sa isasagawang pagdinig ng Blue Ribbon Committee na pamumunuan ni Senador Rodante Marcoleta na gaganapin sa DOUBLEGEM EDSA GARDEN EVENTS PLACE sa Mandaluyong City. Sa gitna ng mga kontrobersiyang bumabalot sa mga proyekto ng pamahalaan, marami ang umaasang may mahahalagang impormasyon na muling ilalantad sa pagdinig. Hindi maikakaila na naging sentro ng usapan nitong mga nakaraang buwan ang mga alegasyon ng iregularidad sa paggamit ng pondo ng bayan. Dahil…

Read More

SPECIAL SESSION: PARA SA BAYAN O PARA SA PULITIKA?

PUNA ni JOEL O. AMONGO MULING naging sentro ng pambansang usapan ang planong pagpapatawag ng Special Session ng Senado base na rin sa kahilingan ng Palasyo. Bagama’t ipinaliliwanag ng ilang opisyal na ito ay para tugunan ang mga agarang pangangailangan ng bansa tulad ng nangyaring lindol sa Mindanao, may mga sektor na nagtatanong kung mayroon pa bang ibang layunin sa likod ng hakbang na ito. Isa sa mga pinagdududahan ng ilang kritiko ay ang posibilidad na magamit ang Special Session bilang daan upang magkaroon ng pagbabago sa liderato ng Senado.…

Read More

NALUNOD NA PANGARAP

EDITORIAL  SA isang iglap, maaaring magbago ang takbo ng buhay. Ang mga pangarap na matagal na binuo, pinaghirapan, at pinanghawakan ay maaaring maglaho sa isang trahedyang hindi inaasahan. Ganito ang sinapit ng batang atleta na si Rene Baterbonia, na puno ng pag-asa nang lisanin niya ang kanilang tahanan upang habulin ang kanyang pangarap na makapaglaro ng basketball sa isa sa mga pinakakilalang pamantasan sa bansa. Ngunit sa halip na tagumpay at bagong yugto ng kanyang buhay, isang malagim na pangyayari ang sumalubong sa kanya at sa kapwa atletang si Divine…

Read More

RESCUED DOGS SHELTER POSIBLENG MAGSARA SA KAKULANGAN SA TUBIG

MALUNGKOT na inanunsyo ng Aspin Academy Corp., ang grupong kumakalinga sa rescued dogs sa Tayabas City, Quezon, na posibleng tuluyan nang isara ang kanilang shelter dahil sa matagal nang problema sa kakulangan sa maaasahang water source. Ayon sa grupo, taon na nilang dinaranas ang hirap sa suplay ng tubig na kritikal sa araw-araw na pangangalaga sa mahigit 70 asong na-rescue mula sa iba’t ibang lugar sa CALABARZON. Giit nila, mula pa noong 2024 ay paulit-ulit na silang humihingi ng tulong at nagsisikap na makalikom ng pondo para makapagpatayo ng deep…

Read More

Maayos pang kalsada binabakbak DPWH PINAGPAPALIWANAG SA P140-M PROYEKTO SA LAGUNA

UMALMA ang ilang motorista at residente sa ginagawang pagbabakbak at rehabilitasyon sa bahagi ng Cavinti-Caliraya Road sa Laguna na ayon sa kanila ay nasa maayos pang kondisyon. Batay sa naka-post na project billboard, aabot sa mahigit P140.4 milyon ang halaga ng proyekto para sa nasa 3 kilometrong asphalt overlay ng ilang bahagi ng naturang kalsada, na pinondohan sa ilalim ng FY 2025 General Appropriations Act at ipinatutupad ng DPWH Regional Office IV-A. Sa mga kumakalat na video at pahayag sa social media, kinuwestiyon ng ilang mamamayan kung bakit isinailalim sa…

Read More

MISIS NI CHAIRMAN, ISA PA PATAY SA AMBUSH

AGAD ipinag-utos ang malawakang manhunt operation laban sa armadong kalalakihan na responsable sa pananambang na ikinasawi ng dalawa katao kabilang ang common law wife ng isang barangay chairman, at ikinasugat ng tatlong iba pa nitong Lunes ng umaga sa Barangay Salvacion, Albuera, sa lalawigan ng Leyte. Ayon sa Leyte Police Provincial Office, nasawi sa ambush sina Maria Noya Velos, 51; at Sherwin Villones Gumop-As, 23, kapwa residente ng Brgy. Salvacion. Si Velos ay sinasabing live-in partner ni Walter Taripe, punong barangay ng Salvacion. Lumitaw sa inisyal na imbestigasyon, sakay ng…

Read More

MATIBAG WALANG KREDIBILIDAD SA ICC WARRANTS — ATTY. INTON

KINUWESTIYON ni veteran lawyer Atty. Ariel Inton ang pahayag ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Atty. Melvin Matibag na maaari pang maglabas ang International Criminal Court (ICC) ng karagdagang warrants of arrest laban sa mga umano’y sangkot sa drug war ng nakaraang administrasyon. Ayon kay Inton, mistulang pananakot lamang umano ang naturang pahayag. Aniya, tila “yabang” lamang ang naging pahayag ni Matibag sa media na posible pang madagdagan ang mga warrant sa loob ng isang buwan. “More ICC warrants may be issued within a month,” ayon sa naging pahayag…

Read More

DY IDINIIN PAGPAPALAKAS NG DISASTER PREPAREDNESS SA LGUs

NANAWAGAN si Speaker Faustino “Bojie” Dy III ng mas pinaigting na disaster preparedness at risk-based planning sa mga lokal na pamahalaan matapos ang malakas na lindol na tumama sa ilang bahagi ng Mindanao. Sa panayam sa General Santos City, sinabi ni Dy na bagamat hindi mahuhulaan ang lindol gaya ng bagyo, maaari pa ring mabawasan ang panganib sa pamamagitan ng wastong pagpaplano at hazard mapping. “Kapag may bagyo, nakakapaghanda tayo kung gaano kalakas yung bagyo o typhoon. Pero pagkadating ng earthquake, importante lamang malaman natin kung nasaan yung sentro, kung…

Read More