MATIBAG WALANG KREDIBILIDAD SA ICC WARRANTS — ATTY. INTON

KINUWESTIYON ni veteran lawyer Atty. Ariel Inton ang pahayag ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Atty. Melvin Matibag na maaari pang maglabas ang International Criminal Court (ICC) ng karagdagang warrants of arrest laban sa mga umano’y sangkot sa drug war ng nakaraang administrasyon.

Ayon kay Inton, mistulang pananakot lamang umano ang naturang pahayag.

Aniya, tila “yabang” lamang ang naging pahayag ni Matibag sa media na posible pang madagdagan ang mga warrant sa loob ng isang buwan.

“More ICC warrants may be issued within a month,” ayon sa naging pahayag ni Matibag kamakailan.

Kinuwestiyon ni Inton kung saan ibinatay ni Matibag ang naturang pahayag at kung mayroon ba itong opisyal na papel kaugnay ng mga aksyon ng ICC.

“Siya na ba ang opisyal coordinator ng Malacañang sa ICC pagdating sa pag-issue ng warrant of arrest sa mga Pilipino na diumano’y sangkot sa drug war ni dating Presidente Rodrigo Duterte?” tanong ni Inton.

“Abangan natin yung sinasabi niya na ‘within a month’ na more ICC warrants may be issued. Dahil pag wala, ibig sabihin ay pananakot lamang niya ito sa mga kalaban ng amo niya sa Malacañang,” dagdag pa niya.

Iginiit ni Inton na dapat magkaroon ng malinaw na batayan at opisyal na impormasyon bago maglabas ng mga ganitong pahayag upang maiwasan ang pagkalito ng publiko.

(JULIET PACOT)

86

Related posts

Leave a Comment