7 BAHAY NATANGAY NG BAHA SA QUEZON AT BATANGAS

PITONG bahay ang natangay ng baha nang umapaw ang ang tubig sa Bantilan river na nasa hangganan ng Batangas at Quezon province, noong Huwebes ng gabi.

Ayon kay Kapitan Leoncio Umali ng Barangay Manggalang -Bantilan, sa Sariaya, Quezon, bandang alas 3:00 ng hapon nang magsimulang umapaw sa pampang at umabot sa mga kabahayan ang tubig sa Sityo Paradahan.

Agad siyang nag-abiso sa mga residente na lumikas at magtungo sa barangay hall at sa eskwelahan na pansamantalang ginawang evacuation center.

Bandang umaga ay banayad pa ang agos ng tubig, pero ng magtatanghali na ay rumagasa ito at halos lumapat na sa ginagawa pang Bantilan Bridge na nagkokonekta sa Sariaya, Quezon at San Juan, Batangas.

Nagtaka ang kapitan sa napakabilis na paglaki ng tubig sa ilog at tila naulit aniya ang pangyayari ng panahon ng bagyong Paeng noong 2022.

Noong kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Paeng noong gabi ng Oktubre 29, 2022, bumigay ang Bantilan Bridge at buong-buong nilamon ng rumaragasang baha.

Winasak din nito ang malaking bahagi ng riprap kaya lumawak ang ilog at napalapit sa pampang ang mga kabahayan na naanod ng baha. (NILOU DEL CARMEN)

11

Related posts

Leave a Comment