GAMER MINARDER SA COMPUTER SHOP

ANTIPOLO CITY – Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa loob ng isang computer shop sa Antipolo City noong Miyerkoles.

Kinilala ang biktimang si Biboy Montallana, alyas “Ace Dela Cruz”.

Ayon imbestigasyon ng Antipolo City Police Station, bandang ala-una ng hapon, naglalaro ang biktima ng online scatter game sa isang computer shop sa Sitio Taguisan 1, Barangay Bagong Nayon 1, nang biglang dumating ang isang hindi kilalang lalaki at ito ay pinagbabaril.

Matapos ang pamamaril, tumakas ang suspek na naglakad lamang palabas ng shop dala ang ginamit na baril.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek at ang posibleng motibo nito sa pagpatay sa biktima. (NILOU DEL CARMEN)

135

Related posts

Leave a Comment