TARGET NI KA REX CAYANONG
SA pagsalubong ng Bagong Taon, isang mensahe ng pag-asa at pasasalamat ang hatid ni Governor Helen Tan ng Quezon Province sa bawat pamilyang Quezonian.
Sa ilalim ng kanyang mahusay na pamumuno na batay sa “Serbisyong Tunay at Natural,” walang kapantay ang malasakit at dedikasyon na kanyang ibinubuhos upang mapabuti ang buhay ng kanyang nasasakupan.
Ang nagdaang taon ay nagbigay-diin sa mga makabuluhang pagbabago sa ilalim ng liderato ni Gov. Tan.
Ang kanyang masinop at epektibong pamamahala ay nagresulta sa mga de-kalidad na programang pangkalusugan, serbisyong panlipunan, at suporta sa kabuhayan na tunay na ramdam ng bawat mamamayan.
Ang kanyang pagkakaroon ng malinaw na bisyon at kakayahang magpatupad ng mga konkretong solusyon ang nagsilbing pundasyon ng patuloy na pag-unlad ng Quezon.
Ngayong 2025, patuloy na ipinapamalas ni Gov. Tan ang kanyang panata na gawing mas maunlad at mas masagana ang bawat komunidad sa probinsya.
“Bagong Taon, Bagong Pag-asa! Salamat sa isang makabuluhang taon—hangad namin ang mas masaganang 2025 para sa ating lahat!” ang mensahe ng masipag na gobernadora nitong new year.
Aba’y ito ay sumasalamin sa kanyang sinseridad at pagkilala sa sama-samang pagsisikap ng bawat Quezonian.
Ang mahusay niyang pamumuno ay hindi lamang nakabatay sa kanyang karanasan bilang doktor at lider.
Siyembro, ito’y naka-angkla rin sa kanyang tunay na malasakit sa kapakanan ng kanyang mga kababayan.
Sinasabing sa kabila ng mga hamon, pinatunayan niyang posible ang pagbabago kung ito ay isinasagawa nang may puso at layuning makatulong.
Ngayong taon at sa mga susunod pang panahon, patuloy na susuportahan si Gov. Tan ng kanyang mga kababayan sa adhikain niya para sa Quezon.
Sa kanyang pamumuno, walang duda na mas maliwanag at mas maunlad ang kinabukasan ng nasabing probinsya.
Maligayang Bagong Taon po sa ating lahat!
