P2.6-M ILLEGAL DIESEL NASAMSAM SA DRIVER AT HELPER SA MARINDUQUE

ARESTADO ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) SA Boac, Marinduque ang isang truck driver at helper mula sa Tiaong, Quezon matapos mahulihan ng 8,000 litro ng diesel na walang kaukulang lisensya mula sa Department of Energy (DOE).

Kabilang sa kinumpiska ng mga awtoridad ang tanker truck na gamit sa transaksyon.

Nahaharap ang mga mga suspek sa kasong paglabag sa Batas Pambansa Blg. 33 (Illegal Trading of Petroleum Products).

(NILOU DEL CARMEN)

77

Related posts

Leave a Comment