TULOY-TULOY ANG MALASAKIT NG MGA UMALI SA NOVO ECIJANOS

TARGET ni KA REX CAYANONG

MAY mga programang agad nawawala kapag tapos na ang pangangailangan o kapag lumipas na ang panahon ng kampanya. Ngunit may mga serbisyong nagpapatuloy dahil tunay na malasakit ang pundasyon nito.

Isa sa mga halimbawa nito ang patuloy na pamamahagi ng bigas ng pamahalaang panlalawigan ng Nueva Ecija sa iba’t ibang komunidad sa lalawigan.

Sa Talavera, muling nakinabang ang mga residente ng Barangay Matingkis, Bagong Silang, at Valle sa programang naglalayong matiyak na may pagkain sa hapag ng bawat pamilyang Novo Ecijano.

Kapuri-puri na pinangunahan ni dating Vice Governor Doc Anthony Matias Umali ang aktibidad bilang kinatawan nina Governor Aurelio “Oyie” Matias Umali, Vice Governor Gil Raymond “Lemon” Umali, at dating Gobernadora Cherry Umali.

Ang kanilang pagkakaisa sa pagpapatuloy ng programang ito ay nagpapakita ng isang pamumunong nakatuon sa kapakanan ng mamamayan at hindi lamang sa pansamantalang pagkilala.

Sa loob ng anim na taon, nanatiling buhay ang programang ito na nagsimula noong panahon ng pandemya at patuloy na nagbibigay-ginhawa sa libu-libong pamilya. Mahalagang tandaan na hindi kailangang may sakuna o espesyal na okasyon upang maipadama ng pamahalaan ang malasakit sa mamamayan.

Nagpapakita rin ng suporta ang mga lokal na opisyal tulad ni Talavera Vice Mayor JR Santos, na kinilala ang kahalagahan ng patuloy na tulong mula sa Kapitolyo.

Kasama rin sa nagkaisang adhikain sina Konsehal Ryan Arellano, Konsehal Erwin Chioco, Konsehal Virgilio Tayao, at Konsehal Ape Reyes, na nakiisa sa paghahatid ng serbisyo sa kanilang mga kababayan.

Nagbigay rin ng panahon si Board Member Rai Rai Villanueva upang personal na makadaupang-palad at makumusta ang mga benepisyaryo ng programa.

Sa panahon ng patuloy na pagtaas ng gastusin sa pang-araw-araw na pamumuhay, malaking tulong ang ganitong mga programa upang mabawasan ang pasanin ng mga pamilya.

Masasabi na ang patuloy na pamamahagi ng bigas sa Nueva Ecija ay patunay na ang tunay na serbisyo publiko ay hindi nakadepende sa kalamidad o eleksyon, kundi sa tapat na hangaring makatulong sa mamamayan sa bawat pagkakataon.

78

Related posts

Leave a Comment