RIDER NIRATRAT SA TALYER

LAGUNA – Patay ang isang lalaking motorcycle rider matapos pagbabarilin sa isang talyer sa Purok 5, Barangay San Isidro, San Pablo City noong Lunes ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Florante Negradas, residente ng Barangay San Isidro.

Ayon sa imbestigasyon ng San Pablo City Police, bandang alas-2:50 ng hapon, nagpapakumpuni ng kanyang motorsiklo ang biktima sa Bawang Motorshop, nang dumating ang hindi pa nakikilalang suspek.

Nagkunwari umanong nagtatanong ang suspek tungkol sa ilaw ng kanyang motorsiklo bago nito biglang binaril ang biktima sa noo.

Agad na tumakas ang suspek patungo sa hindi malamang direksyon matapos ang insidente.

Patuloy na nagsasagawa ng follow-up operation, dragnet operation, at CCTV backtracking ang mga awtoridad upang matukoy at madakip ang suspek. (NILOU DEL CARMEN)

123

Related posts

Leave a Comment