PROTESTA KONTRA ‘INUTIL’ NA MARCOS ADMIN KASADO

GALIT na ang sambayanang Pilipino dahil lumalabas na walang kakayahan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na panagutin ang mga nagkasala, paglala ng kalagayan ng mga tao at katiwalian.

Ito umano ang mensahe ng kilos protesta sa EDSA noong Enero 31, na ayon sa grupo Bayan Muna ay masusundan ng mas malaki at malawakang pagkilos sa anibersaryo ng EDSA People Power Revolution sa Pebrero 25.

“The January 31 protest reflects public dissatisfaction and outrage over the inept leadership of Marcos. As families reel from the cost of living crisis, Marcos and his allies have designed and passed a budget law with bloated pork barrel funds intended for vote buying,” ayon sa nasabing grupo.

Nanawagan din ang grupo na magsagawa ng vigil para ipilit sa Kongreso na ipa-impeach na si Vice President Sara Duterte lalo na’t isang linggo na lamang, mula ngayon araw, ang session ng Kongreso.

Hanggang noong nakaraang linggo ay nasa tanggapan pa ni House Secretary General Reginald Velasco ang tatlong impeachment complaint laban kay Duterte habang hindi naman naihain ang sinasabi ng opisyal na 4th impeachment complaint.

Hindi rin nagustuhan ng Bayan Muna ang pahayag ni Marcos na hindi nito suportado ang pagpapa-impeach kay Duterte na isang patunay na wala itong planong panagutin ang mga nang-aabuso sa gobyerno.

Mistulang wala ring plano si Marcos na payagan ang P200 legislative wage increase gayung wala itong ginagawa para pababain ang presyo ng mga bilihin na lalong nagpapalala sa kalagayan, hindi lamang ng mga manggagawa kundi ng buong sambayanan.

“Marcos should not prevent the supposedly independent Congress from endorsing the impeachment. He should focus on alleviating the hardships of working families. At the minimum, he should certify the wage hike bill as a priority measure,” ayon pa sa Bayan Muna. (BERNARD TAGUINOD)

18

Related posts

Leave a Comment