BROKENHEARTED ang Meteor Garden fans sa balitang pumanaw na si Barbie Hsu na siyang gumanap bilang San Cai sa naturang hit Asian series.
Ang 48-anyos na si Hsu ay sinasabing nasawi sa komplikasyong dulot ng influenza.
Kinumpirma ang balita ng kanyang nakababatang kapatid na si Dee Hsu, Taiwanese host, sa pamamagitan ng isang opisyal na pahayag na ipinadala sa mga miyembro ng media sa Taiwan.
Kwento ng kapatid ni Hsu, nagbakasyon ang kanilang pamilya sa Japan noong Chinese New Year ngunit sa kasamaang palad ay dinapuan ng influenza-related pneumonia ang aktres.
Naulila ni Barbie ang mister na South Korean singer na si DJ Koo Jun-yup, at dalawang anak, ang sampung taong gulang na babae at walong taong gulang na lalaki mula sa ex-husband na si Wang Xiaofei.
Bumuhos ang mensahe ng mga netizen sa biglaang pagyao ng aktres kaya nag-trending kahapon ang #San Chai.
Hindi naiwasang magbalik-tanaw ang karamihan sa kanilang mga karanasan at magagandang eksena ng Meteor Garden na kanilang kinagiliwan.
Kasama ni Hsu sa nasabing serye ang mga miyembro ng F4 na sina Jerry Yan (Dao Ming Xi), Vic Zhou (Hua Ze Lei), Ken Chu (Xi Men), at Vanness Wu (Mei Zuo).
Ilan sa komento ng netizens:
“The reunion we needed but will never happen again.”
“Oh dati Dali Dali akong umuuwi para manood nang meteor garden”
“It’s like something in my childhood has been teared up right now. 💔 Rest is Peace, Barbie Hsu. Thank you for portraying the iconic role “Shan Cai”. Thank you for completing my childhood and making the young me happy every afternoon. You will always be remembered.”
9