BUS LANE PLANONG ALISIN NA SA EDSA

INAASAHAN na ang planong pag-alis sa Epifanio de los Santos Avenue (EDSA) bus lane para lumuwag ang espasyo sa mga pangunahing daanan.

Kinumpirma ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairperson Romando Artes na ang pag-phaseout sa EDSA bus lane ay tinalakay sa isang pulong na ipinatawag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Palasyo ng Malakanyang, noong Martes.

Ang panukala ani Artes ay sa gitna ng ginawang pagpapawalak ng Department of Transportation’s (DOTr) sa kasalukuyang kapasidad ng Metro Rail Transit (MRT).

“Magdadagdag daw po ng isang bagon, so that’s another 30 percent additional. Inaayos lang yung infrastructure to accommodate ‘yung mas mahabang bagon,” ang sinabi ni Artes sa press briefing sa Malakanyang.

“Kung maka-accommodate naman sa taas, sa tren ‘yung mga pasahero, we don’t see the need na magkaroon pa ng bus kasi exactly the same route nga siya. In fact, mas bentahe pa nga ang train dahil mas marami siyang stops kaysa sa bus carousel,” aniya pa rin.

“Another suggestion is to convert the EDSA bus lane into a “special lane” that can be used by “high occupancy vehicles,” ayon kay Artes.

Samantala, “approved in principle” ang pansamantalang pagtanggal sa U-turn slot sa kahabaan ng C5 Road sa Parañaque City.

Bahagi ito ng pagsisikap na ayusin ang traffic situation sa Metro Manila.

Sinabi ni Artes na ang pagtanggal sa U-turn slot sa kahabaan ng C5-Kalayaan Avenue Interchange ay isa sa mga pangunahing rekomendasyon na binanggit sa pulong kasama si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Palasyo ng Malakanyang, noong Martes.

Aniya, mayroon ding rekomendasyon na magkabit ng stop light at magtayo ng underpass upang matiyak ang maayos na daloy ng trapiko sa nasabing lugar. (CHRISTIAN DALE)

8

Related posts

Leave a Comment