50TH ANNIV NG JESUS MIRACLE CRUSADE, ‘DI MAG-EENDORSO NG KANDIDATO

NO way! ang sinomang politiko na gustong magpaendorso sa maimpluwensyang religious group na JESUS Miracle Crusade International Ministry (JMCIM) sa kanilang 50th Golden Church Anniversary sa Linggo, Pebrero 9, 2025.

Ang JMCIM ay isa sa pinakamalaki at matagumpay na Apostolic churches sa Pilipinas na magdiriwang ng 50th Golden Church Anniversary na gaganapin sa Quirino Grandstand s sa Luneta Park.

Inaasahang libo-libong miyembro nila ang dadalo mula sa Luzon, Visayas at Mindanao sa malaking okasyon na gaganapin sa Maynila.

Sinabi ni Beloved Minister Filmore Awas na iginagalang nila ang lahat sa kanilang paniniwala at sa kung anuman ang gusto nilang sabihin patungkol sa isang politiko. Gayunman nanatiling non political o apolitical ang kanilang JMCIM.

Kasabay nito, nag-alay rin ng isang panalangin ang JMCIM para kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr para sa kanyang pamunuan at sa kanyang kaligtasan at kabutihan.

Magugunitang ang lider ng JMCIM na si Pastor Wilde Almeda ang siyang namuno sa peace mission kay Abu Sayyaf Commander Robot na naging susi sa pagpapalaya ng kontrobersyal na 21 Sipadan hostages na kinabibilangan ng mga dayuhang turista noong 2000. (JULIET PACOT)

7

Related posts

Leave a Comment