ITO ang ipinahiwatig ni Congresswoman Arlene Brosas ng Gabriela Women’s Party-list sa ilalim ng Makabayan Group, sa “The Agenda” media forum na ginanap sa Club Filipino sa San Juan City, kahapon ng umaga.
Sagot ito ng mambabatas sa sinabi ni Senate President Francis Escudero na walang mangyayaring impeachment trial sa panahon na naka-session break ang Senado.
“Sa tingin po kasi namin, walang ibang time na pwede. Hindi mo [kasi] pwedeng takdaan ng time yong pagkakaroon ng impeachment court. Pwede [namang] gawin yan ngayon at [pwedeng] magpatuloy sa mga susunod [na next congress],” ang pahayag ni Brosas.
Sinabi pa ng kongresista na [maaaring] iniisip umano ng senado na tatagal ang impeachment trial dahil marami silang naisumiteng Articles of Impeachment na kailangang talakayin muna ng mga senador.
“Sa tingin po namin sa Makabayan Bloc ay puwedeng gawin yon (impeachment trial) at any point of time ng senado. Puwede ngang magsabi ang pangulo[ng BBM] na mag-special session kayo [dyan sa senado] for this particular [matter],” dagdag pa ng mambabatas.
Matatandaan na inamin ni Escudero na kinikilala niya ang nasabing probisyon dahil posible nga naman talaga itong mangyari dahil ginagawa lamang ito karaniwan na ng isang pangulo sa tuwing naka-break ang senado.
“Oo, pwedeng mangyari yun. Pero ang pagpapatawag ng special session, sa aking pagkakaalam, ay hindi para mag-convene ng impeachment court,” ang pahayag ng senador sa isang media forum.
“Ayun sa ating Saligang Batas, hindi ito isa o saklaw marahil nung probisyong yun kaugnay ng special session. Sa akin kasing pagkakaalam, ang pagpatawag ng special session ay para sa mahahalagang bagay at panukalang batas na kailangang ipasa,” giit pa ni Escudero.
Giit naman ng kongresista: “Saka wala pong excuse ang senado kasi trabaho nila yon. Duty bound po sila na tanggapin yon pag na-transmit at gumawa ng paraan para gawin yung trabaho nila o mandato na magtayo ng impeachment court.”
“Hindi sa minamadali namin sila, pero they have to act on it, yon ang mahalaga. They have to convene as an impeachment court,” pagtatapos ni Brosas. (NEP CASTILLO)
9