SA DELAY NG IMPEACHMENT, ARAW-ARAW NANGANGANIB BUHAY NI BBM?

NAGBABALA ang isang administration congressman na lalong tumitindi ang banta sa buhay ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., habang nababalam ang Impeachment trial laban kay Vice President ‘Inday’ Sara Duterte-Carpio.

Ginawa ni Deputy Majority Leader Jude Acidre ang pahayag dahil sa pahayag ng Senado na posibleng pagkatapos na ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos Jr. sa Hulyo 21 masisimulan ang impeachment proceedings laban sa pangalawang pangulo.

“We are not dealing with an ordinary elected official here. The Vice President has a history of brash and violent tendencies – she has made direct threats before, and we would be foolish to ignore the possibility that she may act on them,” ayon kay Acidre.

Hindi aniya dapat ipagwalang-bahala ang pahayag ni Duterte na kumausap na siya ng taong papatay kina Marcos, First Lady Liza Araneta Marcos at House Speaker Ferdinand Martin Romualdez kapag may nangyaring masama sa kanya.

Dahil dito, kailangang ipulong na umano ang Impeachment court at huwag nang maghintay pa ng limang buwan para simulan ang paglilitis dahil hindi aniya ordinaryong tao si Sara Duterte na nagbabanta sa buhay ng pangulo.

“Napakarami nang pwedeng mangyari sa limang buwan ng pagkaantala ng Senate trial. Let’s not be naïve—every day this trial is stalled, the threat to the President’s life grows, so is the ‘kill’ threat to the First Lady, Liza Araneta Marcos and our own Speaker, Ferdinand Martin G. Romualdez. This is not just about legal technicalities; this is about ensuring the safety and stability of our country,” punto ni Acidre.

Noong Pebrero 5, huling araw ng session ng Mababang Kapulungan ay in-impeach ng 215 Congressmen si Duterte at bagama’t natanggap ng Senado ang article of impeachment sa araw ding iyon, hindi ito tinalakay sa plenaryo ng Senado.

At bagama’t sinabi ni Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero na aaksyunan nila ang impeachment case laban kay Duterte, posibleng sa Hulyo pa gagawin ang paglilitis, bagay na ikinakabahala ni Acidre dahil posibleng totohanin umano ng pangalawang pangulo ang kanyang Banta laban sa pangulo, unang ginang at House Speaker. (PRIMITIVO MAKILING)NAGBABALA ang isang administration congressman na lalong tumitindi ang banta sa buhay ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., habang nababalam ang Impeachment trial laban kay Vice President ‘Inday’ Sara Duterte-Carpio.

Ginawa ni Deputy Majority Leader Jude Acidre ang pahayag dahil sa pahayag ng Senado na posibleng pagkatapos na ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos Jr. sa Hulyo 21 masisimulan ang impeachment proceedings laban sa pangalawang pangulo.

“We are not dealing with an ordinary elected official here. The Vice President has a history of brash and violent tendencies – she has made direct threats before, and we would be foolish to ignore the possibility that she may act on them,” ayon kay Acidre.

Hindi aniya dapat ipagwalang-bahala ang pahayag ni Duterte na kumausap na siya ng taong papatay kina Marcos, First Lady Liza Araneta Marcos at House Speaker Ferdinand Martin Romualdez kapag may nangyaring masama sa kanya.

Dahil dito, kailangang ipulong na umano ang Impeachment court at huwag nang maghintay pa ng limang buwan para simulan ang paglilitis dahil hindi aniya ordinaryong tao si Sara Duterte na nagbabanta sa buhay ng pangulo.

“Napakarami nang pwedeng mangyari sa limang buwan ng pagkaantala ng Senate trial. Let’s not be naïve—every day this trial is stalled, the threat to the President’s life grows, so is the ‘kill’ threat to the First Lady, Liza Araneta Marcos and our own Speaker, Ferdinand Martin G. Romualdez. This is not just about legal technicalities; this is about ensuring the safety and stability of our country,” punto ni Acidre.

Noong Pebrero 5, huling araw ng session ng Mababang Kapulungan ay in-impeach ng 215 Congressmen si Duterte at bagama’t natanggap ng Senado ang article of impeachment sa araw ding iyon, hindi ito tinalakay sa plenaryo ng Senado.

At bagama’t sinabi ni Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero na aaksyunan nila ang impeachment case laban kay Duterte, posibleng sa Hulyo pa gagawin ang paglilitis, bagay na ikinakabahala ni Acidre dahil posibleng totohanin umano ng pangalawang pangulo ang kanyang Banta laban sa pangulo, unang ginang at House Speaker. (PRIMITIVO MAKILING)

53

Related posts

Leave a Comment