BOCAUE, Bulacan — Sa pagsalakay sa Isang warehouse sa Isang barangay sa bayan ng Bocaue, nadiskubre ng mga agent ng National Bureau of Investigation (NBI) ang nakaimbak na lumang bigas na ibinebenta umano bilang premium-grade rice.
Ayon sa inisyal na ulat, ang saku-sakong mga bigas ay sinasabing nakaimbak sa warehouse may Dalawang taon na’ng nakalipas, kasama na ang kagamitang panghalo ng iba’t ibang variety ng bigas at gayun din ang artipisyal na pampabango upang lumitaw na high-quality rice ang mga ito.
“Pinaghalu-halo nila iyong variety ng bigas, tapos lalagyan ng kaunting pabango . . . pandan (saka) ipapasa po nila as mamahaling bigas (or) Class-A na bigas,” tinukoy ni NBI director Jaime Santiago.
“Niloloko ang ating mamamayan. Puro alikabok na, puro ano na iyong sako . . . Makikita natin na hoarding. Clear manifestation ng hoarding. Napakadelikado niyan. Hindi natin alam kung safe pa kainin ng tao o para sa baboy nalang,” wika pa ni Santiago.
Inaalam na rin ng NBI kung legal o smuggled ang nadiskubre nilang bigas sa warehouse.
“Mayroon from Vietnam, may from Pakistan, may from India. So, basically, nung chineck namin kagabi yung kanilang makina, nandoon naka-mount yung iba’t-ibang variety ng bigas. Mini-mix nila ito, tapos yung result itong premium rice,” punto ni NBI Special Task Force chief Atty. Jeremy Lotoc.
Samantala, itinanggi namang ng isang opisyal ng kompanyang nagmamay-ari ng warehouse na may nilabag silang batas.
Hinayag ni Santiago na makikipag-ugnayan sila sa mga lokal na opisyal ng Bocaue upang marksman ang may-ari ng warehouse owner para masampahan ito ng reklamong hoarding, adulteration, profiteering, false labeling at economic sabotage.
![](https://saksingayon.com/wp-content/plugins/dp-post-views/images/eyes.png)