6 KALALAKIHAN HULI SA SUGAL, DROGA

CAVITE – Patong-patong na kaso ang kinahaharap ng anim na kalalakihan na unang inaresto dahil sa paglalaro ng cara y cruz ngunit nabuking ang itinatago nilang droga sa kanilang bulsa sa Bacoor City noong Lunes ng gabi.

Bukod sa illegal gambling, nahaharap din ang naarestong mga suspek na sina alyas “James”, “Rolando”, “Jay-pee”, “Jey-An”, “Alejandro” at “Elias” sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act.

Ayon sa ulat, bandang alas-11: 30 ng gabi, habang nagsasagawa ng pagpapatrulya ang mga tanod ng Brgy. Espiritu, Bacoor City nang ma-ispatan ang mga suspek sa aktong naglalaro ng cara y cruz sa Toledo St., Brgy. P.F. Espiritu 3, Bacoor City.

Nang arestuhin, isa sa suspek ang agad na ginusot ang isang foil at itinago ang hawak niyang lighter na pinaniniwalaang ginagamit habang nagsusugal.

Nang kapkapan, nakumpiska mula sa mga suspek ang tinatayang 1 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P6,800. (SIGFRED ADSUARA)

30

Related posts

Leave a Comment