3 HVTs TIKLO SA P15-M SHABU SA ZAMBOANGA

TATLONG itinuturing na high value drug suspects ang naaresto habang P15 milyong halaga ng droga na nasamsam ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency katuwang ang pulisya, sa isinagawang anti-narcotics operation sa Zamboanga City.

Ayon sa ulat, tagumpay ang anti-drug operation na isinagawa ng PDEA RO9 kasama ang katuwang na ahensya sa law enforcement, na nagresulta sa pagkakaaresto sa tatlong high value targets (HVT) sa isinagawang buy-bust operation sa Nuñez Extension, Barangay Camino, Zamboanga City.

Pinangunahan ng Regional Special Enforcement Team ng PDEA RO9 ang operasyon, sa pakikipagtulungan ng Zamboanga City Office, National Special Enforcement Team (NSET), PNP TSC RMFB9, at PNP CDEU 9.

Sa nasabing buy-bust operation, nakumpiska ang hinihinalang ilegal na droga na nakalagay sa 47 piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na may tinatayang 2,300 gramo ng hinihinalang shabu, na may halagang P15,640,000 sa merkado.

Kinilala ni Director III Maharani R. Gadaoni-Tosoc, Regional Director ng PDEA RO9, ang naarestong mga suspek na sina Aharayam Jaidi, 66, babae, factory worker; Maeng Omar, 42, driver; at Nurhayna Sampang, 30, factory worker.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 5 ng Republic Act No. 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (JESSE KABEL RUIZ)

26

Related posts

Leave a Comment