KOREAN NATIONAL NATAGPUANG PATAY SA APARTMENT

CAVITE – Natagpuang patay ang isang Korean national sa loob ng inuupahang apartment makaraang hindi makarating sa kanyang naka-iskedyul na paglalaro ng golf sa bayan ng Silang noong Huwebes ng umaga.

Hinihinalang may ilang oras nang patay nang matagpuan ang biktimang si Seon Jun Baek, 67, may asawa, at nanunuluyan sa isang apartment sa Brgy. San Vicente 2, Silang, Cavite.

Ayon sa personal na caddie ng biktima, nagtaka siya nang hindi ito nakarating sa pang-umagang laro ng golf sa Riviera Golf Club dahilan upang tawagan subalit hindi sumasagot ang biktima.

Bunsod nito, pinuntahan niya ang tinutuluyang apartment ng biktima bandang alas-11:30 ng umaga noong Huwebes.

Pagdating ng caddie sa bahay, sarado ito kaya humingi ng tulong sa landlord nito na buksan ang pintuan ng bahay kung saan tumambad ang wala nang buhay na biktima.

Ayon sa caddie, sumailalim sa head surgery ng biktima ngunit inaalam pa kung may kaugnayan ito sa kanyang pagkamatay. (SIGFRED ADSUARA)

29

Related posts

Leave a Comment