PNP: WALA PANG WARRANT OF ARREST LABAN KAY SEN. MARCOLETA

NILINAW ng Philippine National Police (PNP) na wala pa silang natatanggap na warrant of arrest laban kay Senador Rodante Marcoleta kaugnay ng mga reklamong may kinalaman sa flood control projects.

Ayon kay PNP chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., mahigpit na susundin ng PNP ang lahat ng legal na proseso at hindi kikilos nang walang direktang kautusan mula sa hukuman.

Ito ay kasunod ng pahayag ni Marcoleta na mayroon umano siyang impormasyon na posibleng maglabas ng warrant of arrest laban sa kanya sa kasong may kaugnayan sa umano’y hindi pagsisiwalat ng P75 milyong campaign donations noong nakaraang eleksyon.

Nilinaw ni Nartatez na wala siyang inilalabas na special operational directive laban sa senador at hindi sila kumikilos batay lamang sa tsismis o hindi beripikadong impormasyon.

Sa isinagawang press briefing sa Camp Crame nitong Lunes, sinabi ni PNP Public Information Office Acting Chief PCol. Allen Rae Co na wala pa silang natatanggap na kopya ng anumang warrant of arrest laban kay Marcoleta.

(TOTO NABAJA)

85

Related posts

Leave a Comment