2 RUSSIAN DIVERS PATAY SA ATAKE NG PATING SA BATANGAS

DALAWANG turistang Russian ang namatay habang nag-i-scuba diving makaraan umanong atakehin ng pating sa karagatan malapit sa Pulong Bato, Brgy. San Agapito, Isla Verde sa Batangas City noong Huwebes ng hapon,

Kinilala ang isa sa mga biktimang namatay na si Maksim Melekhov.

Ayon sa ulat ng Batangas Coast Guard Station, bandang ala-una ng hapon nang mangyari ang insidente habang nagsasagawa ng scuba diving ang apat na Russian nationals kasama ang kanilang master diver sa bahagi ng Pulong Bato malapit sa Verde Island.

Bigla umanong lumakas ang agos ng tubig sa dagat habang sumisisid ang lima kaya agad na umahon ang dalawang divers at ang master diver, subalit napahiwalay ang dalawang biktima.

Agad na nasagip ng kanyang mga kasama si Melekhov at dinala sa Saint Patrick Hospital sa Batangas City subalit idineklarang wala nang buhay.

Samantala, dakong alas-5:30 ng hapon nang matagpuan ng search and rescue team ng PCG-Batangas ang ikalawang Russian diver na wala na ring buhay.

Teyorya ng mga awtoridad, inatake ng pating ang ikalawang biktima dahil naputol ang kanang kamay nito.

Nahirapan naman ang mga tauhan ng PCG na marekober ang katawan ng ikalawang biktima dahil marami pang mga pating na umaaligid dito. (NILOU DEL CARMEN)

40

Related posts

Leave a Comment