NANINIWALA si Deputy Speaker Camille Villar na malaki pa ang magagawa ng gobyerno para gawing abot-kaya ang halaga ng mga pangunahing bilihin sa merkado.
Ayon sa kandidato ng administrasyon, suportado niya ang mga programa na nagbibigay ng subsidy sa mga magsasaka para mapababa ang presyo ng bilihin. Inihalintulad niya ang pagdedeklara ng food emergency para mailabas ang mga naiimbak na bigas sa mga warehouse ng National Food Authority.
Tinutulak din ni Villar ang mahigpit na pagpapatupad ng Anti-Economic Sabotage Law na nagpapataw ng kaukulang parusa sa mga rice traders at middlemen na nagsasamantala sa mga magsasaka.
Sa pangmatagalan na solusyon, gusto rin isulong ni Villar ang pagbibigay ng sapat na kaalaman at kasanayan sa mga bagong henerasyon para mas maging handa sila sa pagsasaka. Gayundin ang pagbibigay sa kanila ng kaalaman sa makabagong pamamaraan para sa mas maayos na ani ng mga magsasaka. (Danny Bacolod)
