OGIE DIAZ INENDORSO SI BAM AQUINO PARA SENADOR

OPISYAL nang inendorso ng entertainment reporter at talent manager na si Ogie Diaz ang kandidatura ni dating senator at independent candidate Bam Aquino bilang senador sa darating na halalan sa Mayo.

Sa kanyang YouTube show na Ogie Diaz Showbiz Update, ipinabatid ni Diaz na si Aquino ang isa sa tatlong kandidatong senador na kanyang sinusuportahan.

“Heto, hindi ako magbabanggit ng twelve. Basta yung ilan sa kanila, yung iba kasi understood na. Si Bam Aquino, si Kiko Pangilinan, si Heidi Mendoza ang dating COA commissioner,” wika ni Diaz.

“Iyan, matitino ‘yan, ako na nagsasabi sa inyo, matitino yang tatlo na ‘yan,” dagdag pa ni Diaz, na sinuportahan din ang kandidatura ni Aquino noong 2019.

Sumang-ayon naman sa kanyang napili ang mga co-host ni Diaz na sina Mama Loi Villarama at Tita Jegs, na nagsabing iboboto rin nila sina Aquino, Pangilinan, at Mendoza. Bukod kay Diaz, may mahabang listahan ng celebrities, influencers at musicians gaya ng mga artistang sina Dingdong Dantes, Edu Manzano, Janno Gibbs, Jolina Magdangal, Marjorie Barretto, Bea Binene, Rita Avila, Bea Saw, Niccolo Cosme, Arman Ferrer, Pia Magalona, Ayrin Villamor, Direk Ayrin Villamor, Alex Medina, Inah Evans, AC Soriano, Alex Calleja. Chef Jeng Flores, at Bodjie Pascua.

Nakakuha rin ng suporta si Aquino mula sa mga singer na sina Mark Escueta, Bayang Barrios, Arkin Magalona, Elmo Magalona, Nica Del Rosario, Jim Paredes, Mitch Valdez, Celeste Legaspi, Maysh Baay of M88, TNT Jex De Castro, The CompanY, Jep Go, Phi Palmos, Gab Pangilinan, and Nica del Rosario, at mga musikero mula sa industriya ng hip-hop, urban, at rock music, gaya nina DJ Medmessiah, Morobeats, Pio Balbuena, Chelsea Alley dating Slapshock), at P-Pop girl group Yara.

29

Related posts

Leave a Comment