P4.5-M LOTTO JACKPOT IBINULSA NG TAGA-BULACAN

INSTANT milyonaryo ang isang mananaya mula sa lalawigan ng Bulacan makaraang mahulaan nito ang winning combination ng 6D Lotto na binola, Miyerkoles ng gabi sa Mandaluyong City.

Inihayag ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager, Melquiades Robles, na nahulaan ng mananaya ang winning combination na 05-08-01-06-07-04 na may premyong P4,522,085.00.

Sinabi ni GM Mel Robles, na nabili ang maswerteng tiket mula sa Brgy. Matungao, Bulakan, Bulacan.

Tatlong indibidwal naman ang makakapag-uwi ng tig-P40,000.00 makaraang makakuha ng limang kombinasyon ng 6D Lotto. (TOTO NABAJA)

14

Related posts

Leave a Comment