TEAM LANI UMARANGKADA SA TAGUIG

IPINAKILALA ni Mayor Lani Cayetano ang mga pambato ng Team TLC sa Kongreso ngayong 2025 midterm election sa katauhan ni Congressman Ading Cruz para sa District 1 Taguig-Pateros na inilarawan niyang “ama, lakas, at gabay” nya sa paglilingkod at Congressman Jorge Bocobo para sa District 2 na may buong malasakit sa ikalawang distrito at sa sektor ng mga may kapansanan.

Kasama rin sa panawagan ni Mayor Lani ang suporta para kay Vice Mayor Arvin Alit na patuloy na magsisilbing “ama ng Sangguniang Panglungsod” at sa Lunas Party-list na may malasakit sa bawat pamilyang Pilipino.

Sa kanyang talumpati, hiniling niya ang panalangin at masugid na pagsuporta at higit sa lahat ang pakikiisa sa magaganda pang hangarin ng Team TLC para sa Lungsod ng Taguig.

Pomal din niyang itinaas ang kamay ng labindalawang konsehal sa district 1at labindalawang konsehal sa district 2 sa ginanap na proclamation rally sa Arca South sa Barangay Western Bicutan, Taguig City.

(Danny Bacolod)

65

Related posts

Leave a Comment