IPRINOKLAMA si Representative Brian Raymund Yamsuan kahapon ng Commission on Elections (Comelec) bilang nanalong kinatawan ng 2nd District ng Paranaque.
Sa nakuhang 9,935 na boto, ang independyenteng kandidatong si Yamsuan ay natalo si incumbent congressman Gus Tambunting ng National Unity Party (NUP).
Ang pinal na bilang batay sa City Canvass Report ng Comelec ay nagpakita na nakakuha si Yamsuan ng 82,700 boto; Tambunting na may 72,765 boto; at tatlong iba pang kandidato na may pinagsamang kabuuang boto na mas mababa sa 7,000 boto.
Na-canvass ang mga boto mula sa 246 clustered precincts sa 2nd District ng Paranaque. Sa 172,879 sa 213,621 kabuuang rehistradong botante, ang voter turnout ay 81 percent sa Distrito.
(Danny Bacolod)
