NANCY BINAY TINALO BAYAW SA MAKATI

PORMAL nang naproklama bilang bagong alkalde ng Makati City si Senator Nancy Binay.

Natalo ni Senator Binay ang kanyang bayaw na si incumbent Makati 2nd district Rep. Luis Campos.

Nakakuha si Binay ng 114,898 votes habang 85,664 votes lang si Campos.

Sinamahan si Binay sa kanyang proklamasyon ng kanyang pamilya sa pangunguna ng kanyang mister na si Benjamin Angeles, mga anak na sina Boogie, Anya, Pepi, at ama na si dating mayor at vice president Jejomar Binay, ina na si Dr. Elenita Binay; at mga kapatid na sina Junjun, Anne, at JM.

Nanalo namang konsehal sina Mayeth Casal-Uy, Arlene Ortega, Ferdie Eusebio, at Dino Imperial for District 1; at Bernadette Sese, Levy Ramboyong, at King Yabut para sa District 2.

Ginanap ang proklamasyon ng Comelec city board of canvassers, Martes sa Makati Coliseum.

(Danny Bacolod)

55

Related posts

Leave a Comment