IPINAGMALAKI ni Quezon City Police District (QCPD) deputy director for administration at officer-in-charge Colonel Randy Glenn Silvio na ang 2025 National and Local Elections (NLE) sa Quezon City ay nagtapos nang mapayapa at walang naitalang marahas na insidente na may kaugnayan sa halalan.
Ayon kay Col. Silvio, pinatunayan lang ng magandang sitwasyon sa lungsod nitong nakaraang halalan ang halaga ng pinalakas na pagtutulungan ng QCPD, Commission on Elections (Comelec), Joint Task Force-National Capital Region (JTF-NCR), Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard District NCR-Central Luzon (PCGDNCR-CL), Department of Education (DepEd)-NCR, Bureau of Fire Protection (BFP) at iba pang deputized na mga ahensya ng pamahalaan.
Nagpasalamat ito karagdagang suportado ng deployment ng higit sa 4,000 tauhan mula sa QCPD at mga kasosyong ahensya sa 175 polling centers upang matiyak ang seguridad at kaayusan sa panahon ng pangangampanya at sa araw ng botohan at gayun din sa bilang an ng mga boto.
Ang pagtutulungan ng mga lokal na kandidato at QCitizens, na ang disiplina at pangako sa isang mapayapang halalan ay gumanap din ng mahalagang papel sa tagumpay ng buong proseso ng elektoral.
Sa kabila ng mapayapang pagsasagawa ng halalan, nahuli naman ng mga tauhan ng QCPD ang kabuuang siyam na indibiduwal dahil sa paglabag sa liquor ban na ipinatupad simula noong Mayo 11, 2025.
Gayundin, mula nang magsimula ang election period noong Enero 12, 2025, 117 na suspek ang naaresto dahil sa paglabag sa election gun ban, na may kabuuang 122 armas ang nakumpiska ng mga awtoridad.
“Pinupuri ko ang bawat miyembro ng QCPD at ang aming mga katuwang na ahensya para sa kanilang pagbabantay at PROPESYONALISMO. Natiyak ng kanilang dedikasyon ang isang ligtas at maayos na halalan sabi pa ng opisyal,” pinunto ng OIC ng QCPD.
(PAOLO SANTOS)
