INCUMBENT BRGY. COUNCILOR NIRATRAT NG TANDEM

CAVITE – Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ang Cavite Police hinggil sa pamamaril at pagpatay sa isang incumbent barangay councilor sa Brgy. Bagtas sa bayan ng Tanza sa lalawigan noong Linggo ng umaga.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa MV Santiago Hospital ang biktimang si Christopher Arcon, 48, dahil sa tama ng bala sa katawan.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek na magka-angkas sa motorsiklo na tumakas matapos ang pamamaril.

Base sa footage ng CCTV sa lugar, sakay ang biktima sa kanyang Toyota Innova at pababa ito sa Barangay Bagtas, Tanza nang pagbabarilin ng dalawang lalaki na magka-angkas sa motorsiklo bandang alas-10:20 ng umaga.

Matapos ang pamamaril ay tumakas ang mga suspek habang ang biktima ay isinugod sa ospital subalit namatay bandang alas-12:30 ng hapon.

Inaalam ng pulisya kung may kaugnayan sa trabaho ng biktima ang motibo sa pamamaril.

(SIGFRED ADSUARA)

44

Related posts

Leave a Comment