MIYEMBRO NG MEDIA PATAY SA PAMAMARIL

GEN. SANTOS CITY – Idineklarang dead on arrival sa pagamutan ang isang miyembro ng media makaraang pagbabarilin sa loob ng spa sa lungsod.

Ayon sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktimang si Ali Macalintal ng Calina Street, Barangay Lagao, Gen. Santos City.

Batay sa paunang imbestigasyon ng mga awtoridad, nasa loob ng Delmont Massage and Spa sa Calina St. sa nasabing lugar, ang biktima nang pagbabarilin ito ng suspek na nagpanggap na customer.

Kaagad namang nagresponde ang mga awtoridad at isinugod ang biktima sa pinakamalapit na pagamutan subalit idineklara itong dead on arrival.

Mabilis namang tumakas ang suspek sakay sa kanyang motorsiklo patungo sa direksyon ng Arazada St.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad at tinitingnan kung may CCTV sa mga dinaanan ng suspek.

(TOTO NABAJA)

12

Related posts

Leave a Comment