NAPOLCOM IIMBESTIGAHAN MGA PULIS NA SABIT SA MGA MISSING SABUNGERO

MAGSASAGAWA ng “motu propio investigation” ang National Police Commission o Napolcom makaraang mapaulat na may ilang pulis na dawit sa pagkawala ng mahigit 100 sabungero.

Sinabi ni Napolcom Vice Chairperson at Executive Officer Atty. Rafael Vicente Calinisan, na kanyang inatasan ang Inspection, Monitoring and Investigating Service o IMIS na magsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa ibinunyag ni alyas “Totoy”.

Matatandaan na ibinunyag ni Totoy na may ilang pulis na kasabwat ng grupo na nagpapatay sa mahigit sa 100 sabungero at itinapon ang mga bangkay sa Taal Lake.

Ayon kay Atty. Calinisan, hindi sila mangingimi na sibakin sa serbisyo ang mga nasangkot na pulis na kasama ng grupo.

Panawagan ni Atty. Calinisan, sa mga complainant na maghain ng pormal na reklamo sa NAPOLCOM upang mapabilis ang resolusyon ng kasong ito sa tulong ng Department of Justice (DOJ) at PNP-Criminal Investigation and Detection Group.

(TOTO NABAJA)

41

Related posts

Leave a Comment