LIGO AT 555 SARDINES MAGBABABA NG PRESYO

NAKATAKDANG ibaba ng Century Pacific Food Inc. (CNPF) ang presyo ng mga produkto nitong sardinas para mabawasan ang pasanin ng mga mamimili.

Magkakaroon ng pisong rollback kada lata sa lahat ng Ligo at 555 sardines simula ngayong ika-1 ng Hulyo, 2025.

Ang pagkilos ay bahagi ng adbokasiya ng kumpanya na unahin ang kapakanan ng mga consumer, lalo ngayong nahaharap sa napakaraming hamon ang ekonomiya ng bansa.

“In our small way, Ligo Philippines wants to ease their burden and support them during these times. Cost-efficient actions, such as a constant drive to maximize our supply value chain, working with different communities, and alignment with stakeholders, allowed us to give maximum value to our customers without sacrificing product quality,” wika ni Ronald M. Agoncillo, Vice President at General Manager ng CPFI Sardines.

Bilang patunay ng matibay nitong paninindigan para sa mga stakeholder at pakikipag-ugnayan sa mga komunidad, kinilala ang CNPF sa 2025 Tambuli Awards dahil sa kanilang inisyatibo na Sustenido Bulan.

Natanggap ng Sustenido Bulan — isang programang nagtataguyod ng sama-samang paglago at sustainable na pamamaraan ng pangingisda sa bayan ng Bulan, Sorsogon — ang Corporate Purpose-Driven Impact—Gold para sa Inclusive Growth at Silver para sa Care for the Environment category.

Nagresulta ang Sustenido Bulan sa 10 porsyento pagbaba ng fish rejection na nakabawas sa food at marine waste habang pinalaki ang kita ng mahigit 200 smallholder fisherfolk sa lugar.

Lumikha rin ang pagkilos ng mahigit 850 lokal na hanapbuhay at nakagawa ng mahigit 65 million servings ng de-kalidad na produktong sardinas.

Dagdag pa rito, napalawig din ng kumpanya ang pangunahing school feeding program nito na “Kain Po” sa pamamagitan ng RSPo Foundation, na nakapagbigay ng pagkaing mayaman sa protina sa mahigit 1,000 bata sa Bulan.

Nakatulong din ang programa para mapalakas ang supply chain ng kumpanya na nagresulta sa paglaki ng kita ng sardine brands ng CNPF, gaya ng 555 at Ligo.

“These Tambuli represent more than recognition—they reflect the values we strive to uphold,” wika ni Gregory H. Banzon, Executive Vice President at COO ng CPFI.

“What began as a necessity became a partnership and a mission. Through our Sustenido Bulan initiative, we didn’t just improve fish quality or create jobs—we helped empower lives,” dagdag pa niya.

72

Related posts

Leave a Comment