HYBRID DIGITAL FILING INILUNSAD NG SC

INILUNSAD ng Supreme Court (SC) nitong Hulyo 1 ang hybrid digital filing system na nag-uutos sa mga abogado na magsumite ng ilang petisyon sa elektronikong paraan gamit ang eCourt PH app, bukod sa tradisyunal na papel na pagsusumite.

Kailangang magparehistro ang mga abogado sa Philippine Judiciary Platform bago magsumite ng pleadings.

Saklaw nito ang mga petisyon sa review on certiorari, mga kaso mula sa Comelec at COA, mga petisyon para sa certiorari, prohibition, mandamus, contempt, prerogative writs tulad ng habeas corpus at amparo, at quo warranto actions.

Mula Hulyo 1, ang mga susunod na pleadings sa mga kasong ito ay dapat isumite online. Ngunit ang mga walang abogado, amicus curiae, Shariah counselors na hindi miyembro ng Bar, at law student practitioners ay pwedeng mag-file pa rin ng papel.

Ang transition period na ito ay bahagi ng plano ng Korte na maging ganap na digital ang eCourt system. Simula Oktubre 1, 2025, magiging mandatory na ang electronic filing at service sa PJP para sa mga abogado, habang ang service of initiatory pleadings ay susunod sa kasalukuyang Rules of Court.

(JULIET PACOT)

61

Related posts

Leave a Comment