P749-M NASABAT NG PDEA, BOC

NASABAT ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Bureau of Customs (BOC) noong Lunes ang mahigit 110 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P749 milyon, na nakalagay sa apat na “balikbayan” box sa Manila International Container Port sa Tondo, Maynila.

Nasamsam ang ilegal na droga sa isinagawang interdiction operation dakong alas-11:30 ng umaga sa loob ng Container Facility Station 3, kung saan ininspeksyon ang mga kahon mula sa California at naka-address sa mga recipient sa Mandaluyong City at Quezon City, ayon sa PDEA.

Nadiskubre ang 106 vacuum-sealed plastic packs na naglalaman ng white crystalline substances na nakatago sa mga kahon ng cereal, snack pack, at instant noodles.

Habang walang naarestong mga suspek sa ngayon, ang mga awtoridad ay nagsusumikap na kilalanin ang mga nasa likod ng kargamento upang matunton ang anomang local contacts na konektado sa tangkang smuggling.

(JOCELYN DOMENDEN)

37

Related posts

Leave a Comment