INANUNSYO kahapon nina Atty. Ava Ramel, Makati City Legal Officer at Atty. Christian Robert Lim, head of city’s transition team na nagpasya ang bagong administrasyon ng lungsod na bawiin ang pahintulot ng nakaraang lokal na pamahalaan sa Settlement Agreement sa kontrobersyal na Makati Subway Project.
Isang mosyon ang ihahain sa Singapore International Arbitration Center(SIAC) sa Hulyo 11 para gawing pormal ang hakbang. Bumuo na rin ng komisyon na bubusisi sa sinasabing ireguralidad sa Subway Project at iba pang PPP deals ng dating administrasyon.
(DANNY BACOLOD)
