Misis ni Cong. Duke pinitik sa Kamara PHL TOURISM KULELAT DAHIL KAY FRASCO

PINITIK ng isa sa mga lider ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang misis ni Cebu Rep. Vincent “Duke” Frasco na si Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Frasco dahil sa nakadidismaya aniyang performance ng ahensya sa kabila ng napakalaking pondo.

“Tourism must deliver jobs, not just slogans,” ani Deputy Speaker Paolo Ortega V dahil hanggang ngayon ay walang maayos na resulta sa usapin ng ‘job creation at local economic growth’ ang nasabing ahensya.

Inihalimbawa nito ang kaso ng kanilang lalawigan sa La Union na kilala rin sa pangalang Elyu na isang tourist destination na labis na naapektuhan sa matinding pagbaha sa mga nagdaang bagyo subalit walang ibinigay na tulong ang DOT.

Si Secretary Frasco ay napag-alamang hindi dumalo sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at wala ring kumpirmasyon kung ang mister nito na si Rep. Duke ay nasa Kamara o wala.

“President Bongbong Marcos has made performance the standard. Agencies must do more than promote. They must produce. Tourism must help revive local economies and create sustainable jobs,” ayon pa kay Ortega.

Nagpahayag ang kongresista ng pagkadismaya sa DOT dahil sa kabila ng agresibong promosyon na ginagawa nito sa international market at malaking gastos sa kanilang rebranding campaign ay nananatiling kulelat ang Pilipinas sa mga bansa sa Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) pagdating sa tourist arrival at post-pandemic recovery.

Noong 2024, 5.95 million umano ang tourist arrivals sa Pilipinas na mas mababa kumpara sa 8.26 million noong 2019 o bago nagkaroon ng pandemya habang ang Thailand ay 35.5 million foreign tourist ang dumating sa kanilang bansa, P25 million ang pumunta sa Malaysia, 15.5 million sa Vietnam, 13.9 million sa Indonesia, habang sa Cambodia ay 6.7 million ang bumisita.

Maging sa income ay $13.1 billion o P750.5 billion ang kinita ng DOT sa mga tourist arrival na malayong-malayo umano sa $39 billion ng Thailand at $16 billion naman sa Vietnam.

“These numbers tell a story. We are attracting fewer tourists, and those who do come are spending less. That’s a red flag for millions of Filipino workers who depend on tourism, especially in the provinces,” ayon pa kay Ortega.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na hindi pumirma si Rep. Frasco sa manifesto ng National Unity Party (NUP) para suportahan ang speakership ni Leyte Rep. Martin Romualdez sa katwirang kailangan ng kapulungan ng lider na kayang pagkaisahin ang lahat para sa bansa, na dahilan naman kaya siyang tinanggal sa partido.

Hindi na rin ibinigay ngayon kay Franco ang deputy speaker na dati niyang pwesto noong 19th Congress. (BERNARD TAGUINOD)

190

Related posts

Leave a Comment