DALAWANG nalalabing kasapi ng New People’s Army, ang armadong galamay ng Communist Party of the Philippine, ang napatay ng militar sa Barangay San Isidro West, Goa, Camarines Sur noong Sabado ng umaga.
Ayon sa ulat ng Philippine Army, bukod sa dalawang napaslang na NPA ay ilang baril din at mga kagamitang pandigma ang nasamsam sa encounter site kasunod ng isinagawang clearing operation.
Kinilala ni Brig. Gen. Emil Cruz, commander ng 901st Infantry Brigade, ang mga napatay na NPA na sina Jonathan Mendez, alyas “Errol”, “Manuel”, “Maria”, at “Jun”, at Nilo Caballero, alyas “Richard”.
Nabatid na matapos na magpositibo ang hawak nilang intelligence information ay agad nagkasa ng tactical operation ang 83rd Infantry Battalion ng Philippine Army, katuwang ang Philippine National Police bandang alas-5:00 ng umaga sa Barangay San Isidro West.
Sinasabing ang dalawa ay kapwa kasapi ng Sub-Regional Committee 2 ng Bicol Regional Party Committee.
Ayon pa kay BGen. Cruz, isang M16 rifle at isang Galil ACE 22N rifle assault rifle ang nasamsam ng militar.
“The success of this operation demonstrates the government’s sustained efforts against the communist terrorist group. We will continue our operations to ensure the safety and security of communities in Camarines Sur and throughout the region,” dagdag pa ni Cruz.
(JESSE RUIZ)
103 