PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA SA gitna ng mga hamon at kontrobersiyang hinarap ng Senado nitong nakaraang mga linggo, isang mahalagang mensahe ng pagkakaisa at serbisyo publiko ang ipinahatid ni Senate President Pro Tempore Win Gatchalian matapos siyang mahalal sa isa sa pinakamataas na posisyon sa kapulungan. Marapat lamang na batiin si Gatchalian sa bagong tungkulin. Sa panahong kailangan ng Senado ang matatag ngunit mahinahong liderato, marami ang naniniwalang siya ay isang mahusay na pagpipilian. Kilala siya bilang masipag, maingat, at nakatuon sa mga isyung direktang nakaaapekto sa mamamayan…
Read MoreDay: June 7, 2026
NAGLABASAN NA NAMAN NG BAG
CLICKBAIT ni JO BARLIZO PASUKAN na. Bitbit na ng mga mag-aaral ang kanilang bag, na laman ang mga gamit na gagabay sa kanila sa pagtimo sa isipan ng mga aral at karunungan. Malinaw na bag ang karga ng mga estudyante. Hindi maleta ha o malita, ayon sa mga DDS. Kasabay ng pasukan ang ikinababahalang idudulot ng tag-ulan kaya inilabas ng DepEd ang apat na lebel ng pagtugon ng mga paaralan sakaling magsuspinde ng mga klase at trabaho depende sa antas ng panganib na dulot ng mga bagyo, malalakas na pag-ulan,…
Read MoreKAGULUHAN SA SENADO DAPAT TAPUSIN NA
LINAWIN NATIN ni ARDEE DELLOMAS DAPAT nang tapusin ang kaguluhan sa Senado upang maipagpatuloy na ang trabaho ng mga senador at maisabatas na ang nakabinbing mahalagang mga panukala na mapakikinabangan ng mamamayan at ng bansa. Ang kaguluhan sa Senado ay may malaking epekto sa ekonomiya at kalagayan ng bansa. Ayon sa mga ekonomista, ang patuloy na krisis sa pulitika ay nagdudulot ng kawalan ng katiyakan na maaaring humantong sa pagbagal ng paglago ng ekonomiya. Ito ay dahil ang mga negosyante at mamumuhunan ay nagiging maingat sa pag-invest dahil sa kawalan…
Read MorePAGHINGI NG ‘SORRY’ AT PAGTINDIG NI SEN. ERWIN TULFO PARA SA KATOTOHANAN
TARGET ni KA REX CAYANONG SA gitna ng umiinit na usaping pulitikal sa bansa, mahalagang manaig ang katotohanan at pananagutan sa bawat alegasyong ibinabato laban sa sinumang lingkod-bayan. Ang mga paratang ay dapat na sinusuportahan ng matibay na ebidensya at hindi basta-basta ginagamit bilang sandata upang sirain ang pangalan ng iba. Ito ang dahilan kung bakit mariing pinabulaanan ni Senador Erwin Tulfo ang mga alegasyong ibinato laban sa kanya ng nagpakilalang dating ex-Marines na si Bernard Gumban. Ayon sa senador, isa lamang itong malaking kasinungalingan at walang batayan upang paniwalaan…
Read More2 NPA PATAY SA SAGUPAAN, MGA BARIL NASAMSAM
DALAWANG nalalabing kasapi ng New People’s Army, ang armadong galamay ng Communist Party of the Philippine, ang napatay ng militar sa Barangay San Isidro West, Goa, Camarines Sur noong Sabado ng umaga. Ayon sa ulat ng Philippine Army, bukod sa dalawang napaslang na NPA ay ilang baril din at mga kagamitang pandigma ang nasamsam sa encounter site kasunod ng isinagawang clearing operation. Kinilala ni Brig. Gen. Emil Cruz, commander ng 901st Infantry Brigade, ang mga napatay na NPA na sina Jonathan Mendez, alyas “Errol”, “Manuel”, “Maria”, at “Jun”, at Nilo…
Read MoreBABAE NILIKIDA HABANG PALABAS NG JAIL
DEAD on the spot ang isang 41-anyos na ginang matapos pagbabarilin ng riding in tandem gunmen paglabas ng biktima mula sa Negros Occidental District Jail (NODJ) sa Barangay Tabunan, Bago City noong Sabado ng hapon. Kinilala ng mga imbestigador ang biktimang si alyas “Lowela”, residente ng Barangay 2 sa Manapla, Negros Occidental. Ayon sa inisyal na ulat, kalalabas lamang ng biktima mula sa jail facility kasama ng dalawang tao at sumakay sa inarkilang tricycle na minamaneho ng isang lalaki mula rin sa bayan ng Manapla, nang dikitan ng hindi pa…
Read MoreSa Pampanga at Davao de Oro NHA NAMAHAGI NG 272 UNITS NG PABAHAY
MAY kabuuang 272 units ng pabahay ang ipinagkaloob ng National Housing Authority (NHA) sa tatlong magkakahiwalay na seremonya na isinagawa kamakailan, na nakinabang ang mga pamilyang naapektuhan ng mga proyektong pang-imprastraktura ng pamahalaan at mga katutubong pangkat. Sa pangangasiwa ni NHA General Manager Joeben A. Tai, pinangunahan ni Assistant General Manager Alvin S. Feliciano, kasama sina NHA Region III Manager Ar. Ma. Fatima dela Cruz at NHA Pampanga/Bataan/Zambales District Officer-in-Charge Atty. John Michael A. Bernardo, ang unang aktibidad sa Brgy. Panipuan, Mexico, Pampanga. Batay sa profile ng proyekto, 72 project-affected…
Read MoreERWIN NAG-SORRY SA MARAHAS NA PAHAYAG LABAN KAY ALAN
HUMINGI ng paumanhin si Senador Erwin Tulfo sa naging marahas niyang pahayag matapos ang matinding tensyon at emosyon sa loob ng Senado. “Bilang pagkilala sa mataas na institusyong aking kinabibilangan, lubos akong humihingi ng paumanhin sa aking mga kasamahan sa aking mga naging marahas na pahayag ukol sa pagpapaaresto, pagkwelyo, at pagbibitbit kay Senador Cayetano at sa ilang indibidwal palabas ng session or plenary hall,” pahayag ni Tulfo. “Hindi po ito ang dapat na asal ng isang opisyal lalo na ng isang senador. Ang mga salitang iyon, bagaman hindi nararapat…
Read More“Pusa bawal sa crocodile farm” ATTY. INTON DINEPENSAHAN SI BARZAGA SA ISYU NG EXPULSION
NANINIWALA si veteran lawyer Atty. Ariel Inton na walang ginawang pagnanakaw sa kaban ng bayan si Dasmariñas City Rep. Kiko Barzaga at hindi rin umano ito maaaring masangkot sa conflict of interest dahil lamang sa naging pahayag nito laban sa katiwalian sa gobyerno. Sa isang pahayag, sinabi ni Atty. Inton na hindi kasalanan ni Rep. Barzaga kung may mamamayang tumitingin sa ilang opisyal ng gobyerno bilang mga “buwaya.” “Si Kiko Barzaga ay hindi nagnakaw sa kaban ng bayan. Si Kiko Barzaga ay walang conflict of interest. Hindi kasalanan ni Barzaga…
Read More