4 KOREAN FUGITIVES, ARESTADO SA PAMPANGA

PAMPANGA – Apat na Korean fugitives na sangkot sa online fraud scheme ang naaresto ng Bureau of Immigration (BI) sa Angeles City sa lalawigan.

Kinilala ang mga suspek na sina Ham Seong Hwan, Kim Jongbaek, Kim Taekyeong, at Park Jinhyung, na naaktuhan sa isang bahay sa loob ng Clark Freeport Zone habang nagsasagawa ng panloloko gamit ang pekeng travel sites, bogus flights, at pekeng hotel bookings.

Isinagawa ang operasyon katuwang ang Korean authorities, Philippine Air Force at Clark Development Corporation. ayon kay BI Commissioner Joel Viado.

Itinuturing na utak ng operasyon si Park Jinhyung, na lumalabas na overstaying na mula pa noong 2024.

Samantala, naaresto rin sa parehong araw ang isa pang Koreanong si Park Youngjun, sa bisa ng Interpol red notice para sa kasong fraud sa South Korea.

Ayon sa ulat, gumamit si Park ng pekeng account para manloko ng viewers sa isang sikat na live-streaming platform sa Korea, kung saan kumita siya ng W4.6 million o mahigit P190,000.

Nasa kustodiya na ng BI ang mga suspek habang isinasailalim sa deportation proceedings.

(JOCELYN DOMENDEN)

180

Related posts

Leave a Comment